?

Log in

jennah_13
10 June 2009 @ 10:41 am
in English: I Am Legend. XDD

HAHAH. Okay, whatever, Jena!! Eh kasi, naalala ko lang yung movie na I Am Legend sa A(H1N1) ngayon. XDD Hahaha, Although alam kong di naman siguro lalala ng ganon, Di naman tayo siguro magiging human-eating zombies pag na-infect ng A(H1N1)...pero still! Bakit ba. XD Yun naiisip ko eh~

Pero, alam niyo...di ko ma-gets yung pag-urong nila ng start of classes. I mean, what would that do? Magkakahawaan din naman kung magkakahawaan. Dinelay lang nila ng isang linggo.
Kung ayaw talaga nila magkahawaan sa mga schools, dapat i-suspend na nila yung classes ng BUONG TAON! Maybe that would do something. Anong magagawa ng 1 week? Makakahanap ba sila ng cure sa loob ng isang linggo? I'm guessing not. :-S

But this is one of those times na masaya akong sa PUP nag-aaral. Yung mga studyante kasi sa pangmayaman na eskuwelahan, lumilipad pa-abroad pag-bakasyon...kaya ayan! Pagbalik dito sa 'Pinas, magkakalat pa ng lagim sa campus! XP Buti nalang mga studyante sa PUP, less likely na magkalat ng lagim. Kasi kung hindi wala, konti lang ang nag-abroad = less likely na kumalat samin.
In short, Oo, sinasabi ko lang na mahihirap kami at di namin afford mag-abroad. XDD HAHAH. Okay, joke lang PUP people. I labyu sintang paaralan. XD

----------------------

Sinong nadali ng power cut-off kaninaaaa~? :D
Kami, nadali eh! Pero ayos lang...mga 2-3hrs lang naman eh. Di tumagal.
Nakakainis nga eh, tulog pa ko nung nawalan ng kuryente. XD Kamusta naman, nasira tulog ko. Hahaha.
Pero, ayos lang...kailangan ko narin namang gumising non eh. Batugan lang talaga. :))

-----------------------

Ah!! About Multiply 4.0....*fufufu* Sino pang di nakaka-experience? ;;)
Despite a lot of negative comments about the changes, para sakin, okay lang naman siya. :-S
Although, It's gonna take a lot of getting used to, I can live with it naman. (^^)

I like that new feature na na-fi-filter yung posts na nareplyan mo na sa inbox! Imbis na maghahanap ka pa sa ilang pages, ngayon hindi na kailangan!~ It's just one click away! Click mo lang tapos mafifiliter na agad ang lahat ng posts na nareplyan mo at you can check right away kung may new replies~
Kasi...dun kaya sa dati, kapag minsan, masyado nang luma yung blog post....di na nag-a-appear sa top ng inbox kahit may new replies. :P  fail.

Ah! Alam niyo kung anong magandang idagdag na feature ng Multiply? AUTO-SAVE! Oo, yung katulad sa Livejournal!
Kasi sa LJ diba, after ilang minutes, automatic na nag-s-save yung kung anomang pinopost mo. Para in case na mag-crash ang browser mo or mag-restart ang PC mo, pagbalik mo sa "post journal entry"...ma-re-recover yung kung anomang last na na-save! Kahit gaano mo pa katagal di balikan yun.
Parang nung last akong nag-post sa LJ, nandun parin yung recovered entry ko nung huli akong nag-blog gamit yun. Eh...that was liek....239857983425798 years ago.
O diba, bongga! Dapat may ganun din dito eh.

KASI ALAM NIYO BA, KAGABI~ Dapat magpopost ako ng tl;dr entry, once again. and I was already finished in typing it...as in, pinu-proof read ko nalang (WOW, proofread~? XDD) at tsaka binu-beautify (bold, italicize, adjusting font size, etc) ko nalang!
TAPOS BIGLANG NAG-CRASH ANG FIREFOX. Ugh. D: AND *POOF*....IT BECAME KOKO KRUNCH! D:
Nakakainis talaga. D:
Wala! Pagkabalik ko sa Compose a Blog Entry, talagang Koko Crunch na siya... =___= Wala na talaga.
Eh ayoko nang i-type yun lahat ulit...at di ko na maalala mga pinagsasabi ko.
Kaya ayon, I just cursed Multiply and went off to Facebook. :P

And just now...while I was trying to post this blog entry....my browser crashed liek...3 times. D:
Okay...mas failure siguro ang browser ko. BUT STILL~ Multiply should have that feature. =____=
Buti nalang, matalino na 'ko ngayon! Sa notepad ko muna siya tinype...kaya kahit ilang beses mag-crash-crash si Firefox-kun, ayos lang. MUAHAHAHAH. >:D

------------------------------------


TL;DR post nanaman. D:
AND THIS IS WHY, I SHOULD NEVER GET A PLURK ACCT. XD

 
 
jennah_13
01 June 2009 @ 02:05 am
LONG TIME NO POST~! :D
I've been blogging in Multiply...and for some reason, the "Cross-post to LiveJournal" button does not work for me. :-S PHAILMUCH?

Aaanyway, I'm too lazy to post anything about my life these past few days...so, would you mind if I just advertise in your f-lists, prz? :3



I'm just inviting all of the JE fans here in the Philippines, particularly in Metro Manila to attend a major JE gathering!! :3

Let's end summer with a BANG!! There's going to be a BIG ANNOUNCEMENT~! and lots of fun and flailing!!!  :3nod:

If you're interested, click HERE for more details!!

Hope to see you there!! (^^)
Tags:
 
 
Current Mood: awakeawake
 
 
jennah_13
27 March 2009 @ 05:06 pm
Oei, Belbelti tayo bukas~ Sige na~
Just like old times....:3
Kitakits tayo. Sige na, para naman masilayan ko na kayong muli. Ang tagal-tagal-tagal-tagal-tagal-tagal-tagalx10000 na ko na kayong di nakikita eh!! X3
I MISSHU GAIZ SO MUCH~~
Sigurado namimiss rin tayo ng Bubble Tea peoplez. XD HAhahaa, wala nang maiingay na fangirls. XDDD
Tsaka, I'm in serious need to wake up my inner fangirl. XD LOL. Tagal niya nang nagpapahinga. XD
I need to flail with otherssss~! Hahahaha, deprived ako sa PUP ng fangirl friends eh. XDDD Hirap din mag-convert kasi, pare-parehas din kami walang time manuod ng mga ganun-ganon. XD WAHAHAHA.~

Kaya ganyan!!! PUNTA KAYO AH! X3
Bubble Tea. SM North EDSA. 2PM daw!

-------------------------------


 
 
jennah_13
27 March 2009 @ 04:16 pm
...makiki-ride nalang rin ako. XD

Isang taong na kasi ang nakalipas simula ng grumaduate kami ng Highschool. :3
Exactly nung March 26. Yess....reminiscing ito. XD

*shing shing shing* [sparkly background music cuing flashback]

Naalala ko pa non, medyo late-late pa kaming dumating sa venue....kasi....wala lang. XD Na-late lang kami ng gising nila inay. Di naman ako nag-pa-parlor. XD Sadyang late lang kami talaga. Hahaha.

Tapos, pagdating namin, dyusko-ness....Pabonggahan sa gown. Pabonggahan sa hair. Over-over sa picture-an sa labas ng Tabernakulo. Lahat na ng pwedeng mahatak, nahatak na para magpapicture. XD Pati old friends....pati teachers....kahit nga hindi mo kakilala eh...papicture ka na rin. Sayang naman eh. XD

Tapos, pagpasok sa loob ng Tabernakulo, todo retouch...kasi na wear-off na ang make-up sa byahe at picture-taking sa labas. XDDD Grabe, hirap na hirap pa 'kong ikabit yung cap ko noon, kasi sira yung sa may likod. Basta, lumuwag siya. tapos bumabagsak-bagsak siya.

Tapos sa marcha!! Naku, grabehan sa panic. XDD Parang walang kwenta lang rin yung ilang araw naming pinractice na graduation march, kasi pagdating sa mismong araw....ayun, kulang kulang ang pila namin nang magsimula ang tunog. XD Halos lahat ng boys namin, nawawala. Ayun! Nasa labas, pumo-pose-pose parin. XD Grabe, gulong-gulo kami non kung anong gagawin. Kasi, bawal mag-leave ng gap...kaya ayun, kung ano nalang pagkakasunod-sunod namin, yun na! Kahit may kulang, bahala na! Basta ganon! XD
Tapos pati yung parents, nagkakagulo na eh. Kasi wala sila kaalam-alam. Basta. Grabe talaga. XD
Pero, in the end, inayos nalang namin nung isa-isang tinawag sa stage.

Grabe talaga yung paglalakad ko non sa stage, kasi yung cap ko nga, nalalaglag. XD WAHA. Hirap tuloy.
Yung isang kamay ko, kinuha ang diploma, tapos yung isa nakahawak sa cap. Tapos...dapat may isa pa, pang-shake hands sa school official na nagbigay ng diploma.
Na-confuse tuloy ako....dalawa lang ba talaga dapat ang kamay ko? :S

Tapos nakakatuwa pa non, kasi pagdating sa kabilang dulo ng stage, may picture-picture. Kasama ang guardian. Mommy ko ang kasama ko noong umakyat sa stage eh. Tapos pagdating ko dun sa picture spot, biglang sumulpot si Daddy. Aww~ gulat lang ako. :) Andun na pala siya. Hahaha. Chorva-ness toh si ama. Nanggugulat eh. XD So ayon, sumama siya sa picture. :3 Yay!

Hmm...tapos, ano pa bang worth remembering?
AH! Yung speech ng aming valedictorian. Hahahaha. Sandali, sa valedictorian ba yun o yung sa guest speaker?Ah! Tama, yung sa guest speaker. Sa rehearsal kasi namin, pagtapos ng speech na yun, tatayo kami't papalakpak...Hahah, naalala ko, grabe, half-way through the speech, nakatayo na kami. WAHAHAH. XDD Paano kasi...akala namin tapos na, di pa pala. Ibang klase rin kasi mag-speech eh. Parang puro closing remarks. :)) Parang collection ng closing remarks na ginamit lang na speech. Heheheh. joke.

Ayon, dineclare na kaming graduates. Gusto kong ibato yung cap. Bawal daw. Pero what the hell.....binato parin nila. XDDD Hahahaha. Mga pasaway. XDD

Tapos, ayon. Ano pa ba ang sunod? Ayon~ yung offering na ng flowers sa parents. Tae talaga yun. =']
Nung inaabot ko yung rose kay ina, sabi niya, kay ama ko daw ibigay. Tapos tae, nung inabot ko kay Dad, sabay kiss...tapos ewan ko....basta, naiyak nalang ako bigla. Siguro dahil sa matching background music namin non. [Farewell] eh. XD Heheh. Na-e-emotional tuloy ako. Pero, ewan ko, parang "Look at me, Dad! I made it~ Gumraduate ako. :'D"...parang ganon yung feeling. XD Ewan.

Tapos lalo pang nakakaiyak...nang tapos na yung program at mag-picture-picture na with classmates and stuff. Syempre, hugging-hugging and stuff pa yan. Niyakap ko na kung sinong pwede kong mayakap. Lalo na yung mga feeling ko malabo na kaming magkita ulit. :]
Tapos syempre, after sa classmates, hinanap ko na yung mga besprendship-nesses ko. XD Hahahaha, ayun. Todo-iyak. Lalo na tungkol kay Nadz. Adik kasi tong si Nadz eh. Mag-f-fly na pa-abroad. XD Iwan na kami. HAHA, JOKE~ 8D

Ayan....namimiss ko na tuloy ang Highschool. *pfft* New Era University...Oh my love-hate relationship with you~

Haaaayyyyy~ BASTA!! TAMA NA NGA! @___@

Masyado na 'kong nagagalak mag-reminisce eh. XD Basta, nakakamiss talaga.

BYEBYE!!!
(Welcome back, tl;dr posts~ :D)

GOOD MORNIGHT. (*____*)

 
 
jennah_13
26 March 2009 @ 11:28 pm
Second Semester
Subject Code Prerequisite Description Units School Year Semester Final Grade
INDE 3103
Color Studies 1 (Color Theory) 3 0809 Second Semester 2.75
INDE 3073 INDE 3023 Design Communications 2 (Perspective) 3 0809 Second Semester 2.25
INDE 3093
History of Interior Design 1 3 0809 Second Semester 2.50
INDE 3064 INDE 3014 Interior Design 2: Residential Design 4 0809 Second Semester 2.50
HUMA 1013
Introduction to the Humanities 3 0809 Second Semester
PHED 1022 PHED 1012 Physical Education 2 2 0809 Second Semester 1.25
INDE 3082 INDE 3032 Visual Presentation Techniques 2 2 0809 Second Semester 2.00
ENGL 1023 ENGL 1013 Writing in the Discipline 3 0809 Second Semester 1.75
NSTP 1023 NSTP 1013 CWTS/ROTC (3)


HYESS~ Di ako iregg next sem! How awesome is that?! :D
Akala ko ma-i-ireggular na ko eh. Shyet-ness~ Humanities nalang ang kulang ng grade....pero di naman siguro ako babagsak don. So, YAY!! :D

AY!! Napanuod niyo na Liar Game? :D
Bakit ganon?! Ang baba ng ratings?!! May average rating siyang 11.4!! @___@ At ang hieghest rating niya, 13.6 lang...SP pa. FTW?!! THE RATINGS DO NOT GIVE JUSTICE.
Shyete, ang ganda ng dramang ito. Gustong-gusto ko yung mga ganitong palabas eh. Yung tipong patalinuhan lang ang laban?? Ang awesome talaga.
Ang cute ni Erika umarte.  I was told her character was very annoying in the manga, pero sa drama, ang cute ng pagka-tanga niya...noh? XD
Tapos ang hot ni Matsuda Shota~ 8D Nyahahah.
Ang ganda ng graphics sa opening, naiinggit ako, gusto ko rin makagawa ng ganon.
Tapos pati camera angles, ang ganda....pati yung interiors nung setting nila~ *whooo*~
Pero di ko pa tapos!! SOOO, NO SPOILERS! Hanggang ep6 palang napapanuod ko, okay?? :D

Ay alam nyo JamLegend? Hehehe, naaadik kasi ako dun eh. Pero wala nang aadik pa sa kapatid ko. Ilang araw palang naglalaro...di pa umaabot ng isang linggo siyang naglalaro... ang galing na agad. @____@ Grabi~

Tsaka, isa pang pinagkakaabalahan ko ngayon, La Corda D'Oro!!! Huwahahahah~ Andaming ka-labteam ni Kaho-chan! :)) Pero....'di ko rin masyado alam kung sino gusto ko magkatuluyan eh. XDDD Si....si....Tsuchiura nalang tsaka si Tsukimori? XDD Pwede rin si Yunoki tsaka si Hihari! HAHAHAHA. LOL. Joke.
Hindi, ang gusto ko talaga makatuluyan ni Kaho...si....Lili! HAHAHA, JOKE. XDD
Okay, seryoso....ang gusto ko...its either Tsuchiura or si Hihari-senpai ang gusto ko makatuluyan ni Kahoko. :3 

Yeah, anyway...........KAYO, KAMUSTA?!!!

 
 
 
jennah_13
19 March 2009 @ 10:50 pm
Heto...torrent file ng Adobe Photoshop CS4.

http://www.megaupload.com/?d=5UPWSVGS

Di ko na kasi maalala kung saan ko siya dinowload kaya inupload ko nalang yung nasa akin. ;;^^

May kasama nang KeyGen yan sa loob. Kaya lang...parang every open mo yata ng photoshop, kailangan mong baguhin yung serial code, kasi...na-se-sense niyang invalid yung code. D:
EWAN!! Basta, ganon!!

Maliban don, ayos naman siya. Medyo nakakalito lang sa umpisa yung medyo ibang ayos niya kaysa sa CS3...pero...go lang. You'll get the hang of it. :D



Totally out-of-topic: Pimp ko rin sainyo...
>CLICKANTIQUE!CLICK<
Kasi, ako....trailer palang, naakit na. Baka kayo rin. XD
In case di pa kayo maakit sa trailer, meron naman nakalink na pimp post dun sa post ni ate Nana.
Grabe, ate Nana, thanks for telling me about this. Parang huli mo yung gusto kong type ng ghei. :)) LOL.
Ang cute talaga ng trailer eh. It combines 2 of my favorite things in life....

CAKE ......and GAY.

Tapos nakakatawa pa. Kasi yung bidang dude diyan, yung bida sa Korean version ng Maou, si Joo Ji Hoon. Ang kuleht lang eh. Pa-Mawang-mawang pa siya dati....tapos binabading siya dito ngayon hahaha. Tapos yung super bading dito...yung "Gay of Demonic Charm", siya yung sa Coffee Prince! :D Yung supposedly Japanese dude don. Hahaha. Dito, super bading siya. Ang kulet. :))

I'm so excited to watch. XD Dini-DL ko na. *woot*

 
 
jennah_13
18 March 2009 @ 10:10 am
Lounging in front of the P.C. all day...

Kahapon ang first day ko ng bakasyon.
I woke up, tanghali na...tapos kumain lang, natulog ulit. tapos pagkagising, ligo tapos kain, tapos upo na sa harap ng PC!! YEHEY!
Tapos inabot ako ng 4am. Nagburn lang ako ng ilang bagay at nag-Crazy Kart. XDD
Grabe, kaadik Crazy Kart. Kaloko. :))

Tapos kanina nag-DL ako Photoshop CS4. YEZZZ~ may Photoshop nakong muli! \:D/
At nag-d-DL ako ngayon ng DOTA. XD Hahaha. Pag-a-aralan kong mag-DOTA. Ang yayabang kasi ng mga kaklase ko eh. Pangmatalino lang daw ang DOTA. (=____=)
Hmmp~ 'pag ako, natuto mag-DOTA, humanda sila. :P

Binabalak ko ring kumuha ng summer job. Oei, guys! Kung may maaalok naman kayo dyan oh, paki sabi lang sakin. Basta 'wag lang yung tipong sumasayaw sa gabi. XDD Wag yung ganon.

Naghahanap kasi ako ng mapapaglibangan this bakasyon eh. Para masaya....di nakakalumbay. \:D/

Uhhm....sa mga may finals coming up. GANBARE, guys! Kaya niyo yan!! \:D/
Mainggit kayo sakin, kasi tapos na 'ko dyan!!! MWAHAHAHAHAHA!! *gets bricked*
Ay, joke. Joke lang! Pero, seryoso....kaya niyo yan! GOOOOO!! \:D/

 
 
jennah_13
27 January 2009 @ 07:42 am
So naman~ napansin ko lang na halos mag-i-isang buwan nakong di nag-po-post, diba?
Para naman malaman niyong buhay pa 'ko...heto, mag-po-post ako. XDDD (Tsaka sabi kasi ni ate Teru eh...mag-blog daw ako kahit one-liner lang daw. XD)

I am leading a very unhealthy lifestyle. 8D
ilang araw walang tulog, di kumakain sa tamang oras, the usual stuff. XDDD
Kaya 'pag nakita niyo ko ngayon, disaster itsura ko. XD losyang. LOL. joke. di naman.
Maganda parin...di nalang makalaglag-underwear. XD Ay, hahaha, kapal??! XDDDD Sorry.

So....kamusta naman kayo?
Okay lang ako. Kakatapos lang ng midterm plate from hell. \:D/
BUT WAIT!---There's more!!
May ipapasa pa 'kong plate and research work sa Thursday...at may project pa kami sa History na compilation din ng plates due Saturday (which I haven't even started yet, btw)....
Hihihih~ grabe talaga.
Sayang, dapat pinicture-an ko yung midterm plate ko eh, para ma-share ko sainyo kahit papaano ang pinaghirapan ko. XD Nyahahah~ Ilang gabi ko rin siyang pinag-puyatan at hindi tinulugan. 8D Buti nga nauusog ng nauusog yung deadline eh. Kundi, matagal nang tsugi ang grade ko. XDDD
tsaka kung dati, JE magazines ang pinaggagastusan ko, ngayon Interior Design magazines na. (O_o)
Pinuntahan ko pa ang ama ko sa Mandaluyong (sa loob) (dun kasi art studio niya) nagpatulong ako mag-render in watercolor~! Oha~ di ako mahilig magpatulong eh...pero nakaka-frustrate masyado na, kaya ayon, humingi na ako ng reinforcement. :]
Ang saya nga don sa bahay ni itay eh, may microwave oven siya. Kaya lahat ng ulam, kahit galing sa ref, maiinit..parang bagong luto. XD LOL. tsaka asikasong-asikaso ako ni daddy, parang excited na excited siyang may bisita siya. heheheh. katuwa.

Tapos recently, I downloaded The Girl Who Leapt Through Time. SHYET. Ganda. @__@ Hampogi pa nung orange-haired dude. Tae lang talaga nangyari. *tsk*
ANYWAAAAY~!
Dinownload ko rin UtaOni episode 1!! Tae, cute ni Maru. Gusto ko yung sinabi niya kay Kenta nung nagmumukmok si Kenta tungkol sa trabaho niya...na bakit pa daw siya nag-apply para sa job, sana ibang job nalang kinuha niya, madami naman daw may gusto na pumalit sa kaniya, tapos siya parang napaka-ungrateful, ang rude sa mga gumugusto non. *tsktsk* Oo nga naman...napaisip tuloy ako.
Tapos mukhang tanga yung uta no onii-san weird-ass prince. XDDD LOL. Kadiri kumindat. :)) And the loyal servant/follower uta no onee-san....sino siya? I've seen her in some other drama, nakalimutan ko lang kung saan. =___=
Tsaka takte, nagulat ako nung kinanta opening song. O_O "DOWN DOWN DOWN~" SHYET! BOSES NI OHNO YUN AH!! MAY SOLO SIYA?! O___O  Grabe, na-shock ako, di ko alam eh. XD Wala akong balita. Hahaha. Kakaiyak naman...ganon na 'ko ka-hindi updated. :P
Kaya heto, chini-check ko na f-list ko sa LJ after 10239873892157891235 years. @__@
Nag-guest pala Code Blue cast sa VS Arashi noh?! :D Galing.
Tapos dinowload ko rin pala My Neighbor Totoro...pero di ko pa napapanuod. :D

Nag-annular solar eclipse pala kahapon noh? sayang, di ko na-sight. :P
Tsaka belated Happy Chinese New Year! :D Tsaka Belated HAPPY BIRTHDAY SHOOOO!!
Tsaka YAY for all-new season of American Idol! YEZZZ~~ Ang saya-saya naman~

Tsaka alam niyo, alam niyo~
mas madalas na 'ko makinig ng english na kanta ngayon. @_@ Nalalayo na 'ko sa JE warldz~~ why-ness??!

Asar talaga, dami ko nang na-mi-miss na gatherings. pfft. ang loser-loser talaga. Di na 'ko beterana. Hahaha. XD LOLz. Whatevs,I miss you guys. ~ TT____TT ~


Hay nako...sige na...I will work on my research paper na. pfft. procrastinating nanaman eh.

BAIBAAAAAIII~~~~!!!


(Naku, sabi na nga ba, di lang "one-liner" ang kahahantungan nitong post ko eh. XD tl;dr nanaman...pasensiya.)


 
 
jennah_13
01 January 2009 @ 12:12 am
YEHEEEEEEYY!! AkeOme, FRIENDSSSSS!! \:D/
Kasabay ng pagtatapos ng 2008 ang paglaho ng ating ozone layer!! YEHEEEEEEEYY!! XDDD

LOL. Grabe, super usok kagabi!! Feeling ko nasa Baguio ako, basta 'wag lang ako hihinga. XDD Hahahah.

First time naming mag-Bagong Taon dito sa bahay at di kasama sa family reunion. :P
Normally kasi, nag-fa-family reunion kami sa mother's side tuwing New Year! Sama-sama kaming nagpuputukan at nagbibigayan ng regalo and stuff~
Kaso, 'di kami nakasama this year....

kasi, sa Pampanga ang venue...
tapos ang aking ina, 'di makakasama dahil may pasok siya...tapos si mahal na ama, di sasama dahil nalalayuan daw siya kung dun sa Pampanga...
So, dapat si kuya ang mag-d-drive papunta doon...peroOoOoOo~ hindi natuloy dahil mas pinili niyang samahan yung ever-so-lovable-bitch-of-a-girlfriend niya. :]

Pero ayos lang!...I get to experience how it's like to celebrate New Year here. XDDD Grabe pala magpaputok mga kapitbahay namin dito. XD Hahaha, saya. XDDD at ANG INGAY!!
Dito nalang kami ng daddy ko at ni kapatid ko nag-New Year~ foodtrip-ever at nuod ng movies! XDDDD Nag-lusis din kami! Kala niyo ah! XDD LOL! Solo namin yung kalsada!! Bwahahaha. XDD

Tsaka, ayos noh? Umuulan, bagong taon! Kakaiba. XDDDD

Tsaka habang hinhintay ko ang bagong taon, kamusta naman....nag-d-draft ako ng Midterm plate namin. SAYA NOH?! XD Hahahaha. I spent New Year's Eve doing my midterm. XDDDD And I'd probably spend today continuing it. XDD LOL.

Anyway, grabe...tapos na ang 2008.
Ang daming nangyaring maganda sa taong ito.
Ang dami kong dapat ipagpasalamat...fandom-wise, family-wise, friends-wise, pets-wise(LOL), money-wise, church-wise, lovelife-wise, and academics-wise?

2008:
-of course, hello Ohno and Arashi! (^____^)
Freestyle exhibit, Amatsukaze, Tenseikunpu DVD, MAOU, 4 released singles in a year, AAA Part 2, etc etc etc!!
-Yamapi ANAN!! XDDDD NewS' first-ever Tokyo Dome concert!! Uchi comeback!!
-I got introduced to the KPop scene: SHINee, Wonder Girls, 2PM, DBSK, Rain, etc....and I'm kinda predicting there'd be more in the future. XDDDD;;
-I graduated highschool. Had a wonderful last year in highschool with my 4th-year classmates. Best year in HS ever! :3
-Mugendai day! 08.08.08
-Pets!! We gained street cats...LOL. XDDDD Kahit mga pusang kalye lang ang mga pusang yon, pero lab na lab namin yung mga yun. X3
-Lumawak ang mundo ko nang simula akong mag-aral sa PUP. Natuto nakong pumunta sa kung saan-saan, mas naging open-minded, madami nakong natutunan sa course ko, natutong makisama sa super iba't ibang tao, etc etc etc!
-Gained a lot of new friends...and...special friends. XDDD FTW.
-Took up church duties! :3

-Nadezna left for USA.
-Discovered I have Scoliosis.
-Goodbye HS friends~
-College...difficult times. *sigh*
-Lost time to fangirl...coz of real life. (^___^)

-etc. etc. etc.!!

EWAN! Basta, andaming nangyari talaga last year! I AM HAPPY. \(^_____^)/

And I'm hoping this year'd be a lot better!
I'm about to turn 18 this year. Legal age na, YEAH BEYBEH!! XDDD Pwede nang mag-asawa! LOL. JOKE. XDDDDD
Also, Arashi's 10th anniversary! YAAAAY!! Let's go to Japan, people! :D
Tsaka Harry Potter and the Half-Blood Prince the movie!! I'm waiting for it~ 8D tsaka pala Angels and Demons! :]
HYEAAAAAH~

Anyway...
THANK YOU FOR EVERYTHING, FRIENDS.

JE friends:
I love you guysssss!! *GROUPHUUUUUG*
How long has it been since I last saw ANY of you?! :'(
Sorry naman ah~!! Kapag nakaluwag-luwag na talaga sa oras, LET'S GO! (Meann, itatanan na kita! XDDD)
Kahit medyo shumi-shift-shift na tayo ng fandoms, let's still continue being friends...
After all, JE only brought us together...the friendship we gained goes on forever.

HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!!!
Hope you have a wonderful 2009!! \(^___^)/
*goes off to watch JE Countdown 2008-2009*

 
 
jennah_13
24 December 2008 @ 10:38 am
Pahabol na greeting kay pinakamamahal kong Aiba-chan!
HAPPY BIRTHDAAAAAAY!!
The genius behind A no Arashi! XDD LOOOLz~
I miss you, Aiba!! XD Balik ka ulit dito sa 'Pinas....kita mo, di ka na makakabalik sa Japan ng buhay. XD hahahah.

But~ anyway!
Happy Holidays, everyone!! \(^____^)/
Mag-enjoy sa noche buena at media noche!! 'Saka na yang diet-diet na yan! Kainan muna! XDDD
Mag-ingat sa paputok! :P  Mahirap mabawasan ng daliri!! Try niyo. Ay joke! XD 'Wag!
Mga gifts, tumatanggap ako ng gift check at cash kung di kayo nakapag-shopping! Hahahah. LOLz. Kidding. XDDDDD
Kiss lang, pwede na eh...di naman ako mapili. :))

Ayoko pang isipin ang homeworks~~~~ XDDDDD
Inaaliw ko muna ang aking sarili! :P